^

Metro

Sikyu gumitna sa away ng 2 senglot, todas

-
Isang security guard ang nasawi makaraang pumagitna sa away ng kanyang kapitbahay nang ito ang binalingan ng mga saksak kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Si Mario Gallardo, 55, ng Camarillo St., Murphy, Cubao, ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Quirino Labor Hospital sanhi ng dalawang tama ng saksak sa dibdib at tiyan.

Agad namang naaresto ang dalawang suspect na nakilalang sina Zaldy Comitis, 43, electrician at Ricardo dela Cruz. Nakapiit ngayon sa detention cell ng Central Police District (CPD) headquarters habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation Unit ng Central Police District (CIU-CPD), dakong 10:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa may Camarillo St., Cubao, ng naturang lungsod.

Nag-iinuman ang dalawang suspect sa tapat ng bahay ng biktima hanggang sa malasing at magkapikunan na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Pinilit na kumbinsihin ng biktima na huminto ang dalawa dahil sa Kapaskuhan. Sa halip na huminto ay napagbalingan ng galit ng mga suspect at pinagtulungang saksakin ang guwardiya. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

CAMARILLO ST.

CENTRAL POLICE DISTRICT

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CRUZ

CUBAO

JHAY MEJIAS

QUEZON CITY

QUIRINO LABOR HOSPITAL

SI MARIO GALLARDO

ZALDY COMITIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with