^

Metro

Umulan ng pera sa Malabon City

-
Umulan ng salaping tinatayang umaabot sa isang milyong piso na tig-iisang libo, limandaan at isandaan ang tuwang-tuwang pinag-agawan kahapon ng tanghali ng mga residente sa isang barangay sa Malabon City.

Ang laging abalang kalye ng Brgy. Santukan ng lungsod na ito ay pansamantalang huminto gayundin ang lahat ng mga sasakyang nag-uunahan na makalusot sa masikip na trapiko nang hindi inaasahang bumungad sa mga drivers, commuters ang tigi-isang libo, limandaan at isandaang denominasyon.

Sa inisyal na ulat ay isang nagngangalang Mang Ernesto, tricycle driver ang unang nakapansin ng nagkalat na bundle ng pera dakong alas-11 ng umaga.

Agad na hininto ni Mang Ernesto ang minamanehong sasakyan at tinungo ang pera. Sabik na sabik na pinulot ito ni Mang Ernesto ngunit dahil sa kasiyahan at panginginig ay bigla itong humagis at kumalas sa pagkaka-bundle at inilipad sa direksyon ng mga commuters na naipit sa trapiko.

Sa loob lamang ng ilang minuto ay nagkaroon ng malaking kaguluhan, balyahan, sigawan bagaman masaya ang lahat sa kanilang pag-aagawang ginawa.

Ilang residente sa nasabing barangay ang naniniwalang hulog ito ng langit.

"Nakita ko na lang sa bintana na parang pakpak ng ibong bumabagsak yung isang libo kaya kahit nagluluto ako iniwan ko at nakiagaw ako," sabi ni Aling Elena, 46, ng nabanggit na barangay.

Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pa ring umaangkin ng nasabing pera na hinihinala ng pulisya ng Caloocan na mula sa isang sindikato ng mga holdaper na aksidenteng nahulugan nito.

Sinabi naman ng ilang awtoridad sa Caloocan Police na mayroong prescribed period para sa mga lost and found at sa panahong maging paso ito ay nasa awtoridad na ang desisyon kung ipagkakaloob sa sinumang nakakita o nakatagpo ng bagay man o salapi o isurender ito sa ahensya ng pamahalaan na maaaring nangangailangan nito. (Ulat Gemma Amargo)

ALING ELENA

BRGY

CALOOCAN

CALOOCAN POLICE

HABANG

ILANG

ISANG

MALABON CITY

MANG ERNESTO

ULAT GEMMA AMARGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with