Nakilala ang dalawang dinakip na sina Romulo Abellas, 45 at Noli Brosas, 50, kapwa nakatalaga sa Balikbayan Tourist Protection Unit ng PNP Aviation Security Group sa NAIA.
Ang dalawang suspect ay sinampahan na ng kasong robbery extortion sa Pasay City Prosecutors Office.
Base sa report, dinakma ang dalawang suspect matapos na maaktuhan ang mga ito na tumatanggap ng P2,000 extortion money mula sa biktimang si Edgar Basinang, isang seaman sa loob ng Ho Ching restaurant sa harap ng Domestic Airport sa nasabing lungsod.
Nauna rito, nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad tungkol sa umanoy pangingikil sa kanya ng mga nabanggit na pulis.
Binanggit pa ng biktima na lumapit sa kanya ang dalawang pulis na nagpakilalang immigration agents at nagbantang aarestuhin siya kung hindi makapagbibigay ng US$200.
Sa takot nito na makasuhan kahit walang paglabag ay napilitan na lamang itong magbigay ng US$150 at nangakong ibabalik ang balanse.
Hindi pa nakontento ang dalawang pulis at nagawa pang tawagan ang biktima para sa balanse, dahilan naman kaya napilitang magsumbong sa mga awtoridad si Basinang. (Ulat ni Ellen Fernando)