^

Metro

2 NAIA police tiklo sa pangongotong

-
Dalawang tauhan ng pulisya na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng NBI at Bureau of Immigration (BI) sa isinagawang entrapment operation matapos na umano’y mangotong sa isang Filipino seaman kahapon.

Nakilala ang dalawang dinakip na sina Romulo Abellas, 45 at Noli Brosas, 50, kapwa nakatalaga sa Balikbayan Tourist Protection Unit ng PNP Aviation Security Group sa NAIA.

Ang dalawang suspect ay sinampahan na ng kasong robbery extortion sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Base sa report, dinakma ang dalawang suspect matapos na maaktuhan ang mga ito na tumatanggap ng P2,000 extortion money mula sa biktimang si Edgar Basinang, isang seaman sa loob ng Ho Ching restaurant sa harap ng Domestic Airport sa nasabing lungsod.

Nauna rito, nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad tungkol sa umano’y pangingikil sa kanya ng mga nabanggit na pulis.

Binanggit pa ng biktima na lumapit sa kanya ang dalawang pulis na nagpakilalang immigration agents at nagbantang aarestuhin siya kung hindi makapagbibigay ng US$200.

Sa takot nito na makasuhan kahit walang paglabag ay napilitan na lamang itong magbigay ng US$150 at nangakong ibabalik ang balanse.

Hindi pa nakontento ang dalawang pulis at nagawa pang tawagan ang biktima para sa balanse, dahilan naman kaya napilitang magsumbong sa mga awtoridad si Basinang. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AVIATION SECURITY GROUP

BALIKBAYAN TOURIST PROTECTION UNIT

BUREAU OF IMMIGRATION

DOMESTIC AIRPORT

EDGAR BASINANG

ELLEN FERNANDO

HO CHING

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NOLI BROSAS

PASAY CITY PROSECUTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with