Strunk may karapatang tanggihan ang lie detector test
December 22, 2001 | 12:00am
Karapatan ni Rod Strunk, asawa ng minurder na aktres na si Nida Blanca na di sumailalim sa lie-detector test ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay Justice Undersecretary Manuel Teehankee, karapatan ni Strunk na tumanggi sa naturang test alinsunod sa nakasaad sa batas.
Nilinaw ni Teehankee na walang obligasyon si Strunk na sumailalim sa nabanggit na pagsusuri at siya ay maaari lamang isailalim dito kung magboboluntaryo ito.
Magugunita na nais ng NBI na isailalim sa lie-detector test si Strunk upang malaman kung nagsasabi ito ng totoo hinggil sa pagkamatay ni Nida Blanca.
Kaugnay nito, nilinaw pa ni Teehankee na hindi naman katanggap-tanggap sa korte ang resulta nito.
Magugunitang una nang sumailalim sa ganitong pagsusuri ang mga taong malalapit kay Nida Blanca na sina Candelaria Tantoco at Elena dela Paz, gayundin ang self-confessed killer na si Philip Medel. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended