Frat war : 1 na naman nadamay
December 21, 2001 | 12:00am
Sinasamantala ng mga fraternity groups na maghasik ng kaguluhan sa Maynila sa kasagsagan ng pagdaraos ng Simbang Gabi.
Kahapon ng umaga ay isa na namang dalagita ang aksidenteng tinamaan ng bala ng sumpak makaraang maipit sa sagupaan ng dalawang magkalabang grupo ng kabataan matapos na dumalo sa Simbang Gabi sa Sta. Cruz, Maynila.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Phil. General Hospital (PGH) ang biktimang si Gliza Perucho,15, ng Oroquieta St., Sta. Cruz, Manila na tinamaan ng ligaw na bala sa kanyang balakang.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:30 ng umaga nang maganap ang insidente habang naglalakad si Perucho, may ilang metro lamang ang layo sa simbahan ng Holy Spirit sa nasabing lugar.
Nabatid na katatapos lamang umanong magsimba ni Perucho nang magpang-abot ang dalawang grupo ng fraternity na matagal ng may alitan. Sa takot na madamay ay nagtago ang biktima subalit minalas na tinamaan ito ng ligaw na bala.
Natigil lamang ang kaguluhan nang makita ng mga kabataan na bumulagta at duguan ang biktima at saka isa-isa silang nagsitakas. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended