Dalagita grabe sa gulpi at saksak ng kapwa dalagita
December 18, 2001 | 12:00am
Isang 15-anyos na dalagita ang nasa kritikal na kondisyon matapos itong bugbugin at saksakin ng isa ring dalagita na nainggit sa porma ng una habang nagsisimbang gabi, kahapon ng umaga sa Malabon City.
Kasalukuyang ginagamot sa Pagamutang Bayan ng Malabon sanhi ng tinamong saksak sa ulo ang biktimang si Judith Jayona, ng Sitio 6 Catmon, ng nasabing bayan.
Samantalang kaagad namang nadakip ang suspect na si Rizalyn Santos, 16, estudyante, at residente ng Hulong Duhat, ng nabanggit na bayan. Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang kasamahan ng suspect na nakilala lamang sa alyas Andy at dalawa pang hindi nakikilalang lalaki na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Jorge dela Cruz ng Station Investigation and Intelligence Division (SIID) dakong alas- 5 ng umaga ng maganap ang insidente hindi kalayuan sa isang simbahan sa Sitio Sto. Niño, Concepcion, Malabon.
Napag-alamang katatapos pa lamang dumalo sa simbang gabi ng grupo ng biktima at papauwi na sa kanilang bahay nang madaanan nito ang grupo ng suspect na naka-istambay sa hindi kalayuan sa simbahan.
Kaagad umanong sinigawan ng suspect ang biktima na badoy kung magdamit dahilan upang magalit ang huli at komprontahin ang una.
Ang komprontasyon ay nauwi sa sakitan hanggang sa tuluyang bugbugin ng grupo ng suspect ang biktima at hindi pa nasiyahan ay bumunot pa ng patalim si Santos at saka sinaksak sa ulo ang biktima.
Si Santos ay agad na nadakip ng mga nagrespondeng barangay tanod sa nasabing lugar. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended