Mercury Drug sa QC hinoldap
December 18, 2001 | 12:00am
Nilooban ng sampung armadong kalalakihan ang isang sangay ng Mercury Drug sa kanto ng Scout Borromeo at Quezon Avenue, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang panghoholdap dakong alas-12 ng hatinggabi nang biglang tumigil sa harap ng naturang drug store ang isang pulang Honda Civic, isang Lite Ace van at isang motorsiklo.
Pagkatapos ay halos sabay-sabay na bumaba ng sasakyan ang sampung suspect at saka tuluy-tuloy na pumasok sa loob ng drug store.
Tinatayang aabot sa P20,000 cash ang nakulimbat ng mga suspect, pati na rin ang mga personal na gamit ng empleyado at mga kostumer sa nasabing drug store.
Kaugnay nito, ikinagalit naman ni NCRPO Chief Edgardo Aglipay ang naganap na panghoholdap nang malaman na rumesponde ang mga elemento ng Baler station sa insidente subalit nagsibalik sa kanilang himpilan nang malaman na ang lugar ay nasasakop pala ng Kamuning Police Station sa lugar ng holdapan.
Binigyang diin ni Aglipay na bagamat nasa boundary ng Baler at Kamuning ang pinangyarihan ng holdap dapat umano ay itinuloy na rin ng mga tauhan ng Baler station ang pagresponde dito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest