^

Metro

3 nagsimbang gabi naatrasan ng 10 wheeler

-
Kritikal ngayon ang isang 14 anyos na estudyante habang nagalusan lang ang kapatid at kaibigan nito makaraang maatrasan ng isang 10 wheeler truck habang papauwi mula sa pagdalo ng Misa de Gallo kahapon ng Madaling araw sa Baeza, Caloocan City.

Binigyan ng kakaunting pag-asa ng mga dumalong doktor sa Manila Central University ang biktimang si April Rose Bautista habang ligtas naman sa tiyak na kamatayan ang kapatid nitong si Euroya 16 at ang kaibigan nitong si Rommel Abellardo ,6 pawang mga residente ng East Libis, Baesa, Quezon City.

Sa ulat ni PO3 Rodelio Asuncion dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Sta. Quiteria Road, Caloocan City pauwi ng kanilang bahay buhat sa pagsi-Simbang Gabi.

Pinaniniwalaang abalang-abala ang mga biktima sa pagkwekwentuhan habang naglalakad kung kaya’t hindi napansin ng mga ito ang papaatras na 10 wheelercargo truck na minamaneho ng suspect na kinilalang si Jeffry Galanto,36 anyos at resident driver ng Montana Trucking sa Area 2, Sta. Quiteria, Caloocan.

Nabatid pa na wala ring kamalay-malay ang suspect na may mga nagdaraan sa likurang nang tangka nitong ipasok sa garahe ang minamanehong cargo truck na may plakang PWU 989.

Nabigla na lamang ang suspect nang marinig nito ang malakas na palahaw ng mga biktima at kaagad na naapakan ang break.

Agad namang sumuko ang suspect sa Northern Police District habang hinihintay ang kasong isasampa laban dito. (Ulat ni Rose Tamayo.)

APRIL ROSE BAUTISTA

CALOOCAN CITY

EAST LIBIS

JEFFRY GALANTO

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MONTANA TRUCKING

NORTHERN POLICE DISTRICT

QUEZON CITY

QUITERIA ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with