^

Metro

Nanalo sa tong-its tinodas ng talunan

-
Dahil sa pagpapauwi sa kanyang asawa na nanalo sa sugal na tong-its, isang jeepney driver ang nasawi matapos na barilin ng sumpak ng talunan na kalaro ng kanyang misis, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas city.

Namatay sa lugar ng krimen dahil sa tama ng bala sa kanyang dibdib ang biktimang nakilalang si Diomedes Quimino, 39, ng #40 Arevalo St., Cadiz Compound, Martin Ville subdivision, Pulanglupa Dos, ng lungsod na ito.

Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang tumakas na suspek na si Jose Penola Jr., kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-11:50 ng gabi sa harapan ng bahay ng biktima. Nabatid na kagagaling pa lamang sa pamamasada ni Quirmino nang maabutan ang asawa na nakikipagsugal sa mga kapitbahay.

Dito mainit ang ulo na sinaway nito ang asawa at pinatigil na sa pagsusugal sa kabila ng pananalo nito. Tumanggi naman ang suspek na patayuin na sa lamesa ang asawa ng biktima at sinabing makakaayaw lamang ito kapag nakabawi na siya sa malaking talo niya.

Dito nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawang lalaki hanggang sa galit na umuwi ang suspek.

Hindi na nakapalag pa ang bikitma nang paputukan ng suspek kung saan duguang bumagsak ito sa harapan ng bahay. Mabilis namang tumakas si Penola dala ang armas na ginamit sa pamamaslang.

Kasalukuyang inihahanda na ngayon ng pulisya ang pagsasampa ng kasong murder laban sa tumakas na suspek. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AREVALO ST.

CADIZ COMPOUND

DAHIL

DANILO GARCIA

DIOMEDES QUIMINO

DITO

JOSE PENOLA JR.

LAS PI

MARTIN VILLE

PULANGLUPA DOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with