Ayaw papigil tinarakan ng pumipigil
December 16, 2001 | 12:00am
Sinaksak hanggang sa mapatay ang isang 19-anyos na vendor ng kapwa nito vendor matapos na hindi magpaawat sa away ang una kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.
Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela General Hospital sanhi ng isang malalim na tama ng saksak sa likod ang biktimang si Michael Dinglasan, binata, ng #25 Interior R. Valenzuela St., Marulas, ng nabanggit na lungsod.
Mabilis namang tumakas ang suspek na si Antonio Martinez, 22, binata, ng 35-A Tamaraw St., Marulas, matapos ang pananaksak.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng Marulas public market.
Nabatid na bago naganap ang insidente ay may nakasagutan umanong isa ring vendor ang biktima na nagngangalang Rolly Manglapus.
Pinag-aawayan nina Manglapus at Dinglasan ang hindi tamang paghahatian ng kinitang pera hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito.
Dahil dito ay agad na nagbunot ng patalim si Dinglasan at inundayan ng isang saksak si Manglapus subalit hindi ito tinamaan.
Tiyempo namang dumating si Martinez nang makita ang nag-aaway na
magkaibigan kung kayat agad na umawat subalit tumanggi ang biktimang paawat kayat napilitan ang una na bumunot ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am