^

Metro

Most wanted ng Maynila patay sa engkuwentro

-
Isang kilabot na kriminal at responsable sa serye ng panghoholdap sa ilang lugar ng kalakhang Maynila ang nasawi matapos itong pagbabarilin ng mga alagad ng batas sa isang engkuwentro na naganap kamakailan sa bayan ng Taguig.

Sa report na natanggap ni Southern Police District Director, Chief Supt. Jose Gutierrez, ang nasawi ay nakilalang si Baltazar Balan na hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Makati sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan.

Nabatid sa Taguig Police na nagsagawa ang mga ito ng pagsubaybay sa suspek.

Napagalaman pa ang ang nasawi ay sangkot umano sa ilang insidente ng holdapan sa ilang lugar sa Taguig.

Dakong ala-1:45 ng madaling-araw nang maka-engkuwentro ng awtoridad si Balan sa Pinagsama Village, Brgy. Western Bicutan.

Nang manlaban si Balan ito ay agad na inunahan ng mga awtoridad. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BALAN

BALTAZAR BALAN

BRGY

CHIEF SUPT

JOSE GUTIERREZ

LORDETH BONILLA

PINAGSAMA VILLAGE

SOUTHERN POLICE DISTRICT DIRECTOR

TAGUIG

TAGUIG POLICE

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with