Judge at anak kritikal sa saksak ng holdaper
December 16, 2001 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ang isang Regional Trial Court (RTC) judge at ang 15-anyos nitong anak na lalaki matapos silang pagtulungang saksakin ng dalawang hindi nakikilalang holdaper kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Kasalukuyang ginagamot sa Veterans Memorial Medical Hospital sanhi ng tinamong isang saksak sa tagiliran ang biktimang si Judge Silverio Castillo, 53, ng Dagupan RTC Branch 43 samantalang nagtamo naman ng saksak sa braso ang anak nitong si Joseph Jesus, at kapwa residente ng 42-C 1 Gen. Segundo St., Heroes Hills, Quezon City.
Base sa inisyal na report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12 ng hatinggabi sa may Sta. Quiteria, Libis, Baesa, Caloocan City bago dumating ng toll gate ng North Diversion Road.
Napag-alaman sa batang biktima na kasalukuyang pinapalitan umano nilang mag-ama ang na-flat na gulong ng kanilang kotse nang bigla na lamang lumapit ang mga suspek.
Kaagad umano silang tinutukan ng patalim at nagdeklara ng holdap subalit pagkarinig umano ni Judge Castillo nang holdap ay nanlaban ito sa mga suspek samantalang tinangka namang tumulong ni Joseph.
Mabilis na isinugod ng mga nakasaksing motorista ang mag-ama sa Manila Central University Hospital subalit dahil nasa kritikal na kondisyon si Judge Castillo kung kayat inilipat ang dalawa sa Veterans Memorial Hospital.
Samantala, agad namang nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang naturang insidente. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended