^

Metro

Pagtaas ng kontribusyon sa SSS, hindi pa maipapatupad

-
Walang dagliang pagtataas sa kontribusyon sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) at tinatayang maipapatupad pa ito sa loob ng walo hanggang 12 taon, ayon kay Finance Secretary Jose Isidro Camacho.

Sa isang panayam, ang pagtataas ng kontribusyon sa SSS at kabilang sa mga inirekomenda ng International Monetary Fund mission kasama ang pagtataas ng buwis sa produktong petrolyo.

Sinabi ni Camacho na ang dalawang hakbang na ito ang nakikita ng IMF mission para matugunan ang nakikitang suliranin sa pension fund dahil hindi balanse ang kontribusyon sa benepisyong nakukuha ng mga empleyado sa pribadong tanggapan.

Sinabi ni Camacho na kung matuloy man ang planong ito ang tanging saklaw lang nang pagtataas ng kontribusyon ay yaong ang sahod ay wala pang P12,000 hanggang P15,000 isang buwan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

CAMACHO

FINANCE SECRETARY JOSE ISIDRO CAMACHO

INTERNATIONAL MONETARY FUND

KONTRIBUSYON

LILIA TOLENTINO

PAGTATAAS

SINABI

SOCIAL SECURITY SYSTEM

ULAT

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with