^

Metro

Iniwan ng nobya, lalaki nagpakamatay

-
Hindi matanggap ng isang 24-anyos na lalaki na magiging malamig ang pagdiriwang niya ng Kapaskuhan dahil sa pakikipagkalas ng kanyang kasintahan sanhi upang magpakamatay ito sa pamamagitan ng pagbibigti, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Malamig nang bangkay nang madiskubre ng kanyang mga kasambahay ang labi ni Rodel Pez ng Dela Paz St., ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang labi ng ni Pez dakong alas- 2 ng hapon sa loob ng inuupahan nilang bahay na nakabitin gamit ang isang electrical cord na nakapulupot sa kanyang leeg.

Isang sulat ang narekober ng mga imbestigador para sa kanyang hindi kinilalang kasintahan. Nakasaad dito ang mga katagang " Mahal na mahal kita at hindi ako mabubuhay ng wala ka".

Nabatid pa na ilang linggo bago nagpakamatay si Pez na naikuwento nito sa kanyang mga kaibigan na nakipag-break ang kanyang nobya. Simula noon ay naging malungkutin na ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DELA PAZ ST.

ISANG

KANYANG

KAPASKUHAN

MALAMIG

MARIKINA CITY

NABATID

PEZ

RODEL PEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with