Bangag nalitson makaraang lagariin ang kable sa poste ng Meralco
December 14, 2001 | 12:00am
Isang di-kilalang lalaki na hinihinalang nasa impluwensiya ng droga at wala sa tamang katinuan ng pag-iisip ang umakyat sa poste ng Meralco at nilagare ang kable ng kuryente sanhi upang mangisay at matusta kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.
Nagmistulang isang uling na nasunog ang katawan ng biktima na tinatayang nasa edad na 20-23 at may taas na 56 nang makita ang bangkay nito.
Sa imbestigasyon ni Det. Ed Kho ng Western Police District-Homicide Division, bandang alas-11:30 ng gabi nang akyatin umano ng di-kilalang biktima ang poste ng Meralco sa Romualdez St. tapat ng Maritime Industry Authority sa Ermita habang dala-dala umano nito ang isang lagareng bakal.
Ilang minuto lamang ang nakakalipas nang nasa taas na ng poste ang biktima ay bigla na lamang nag-spark o kumislap ang kawad ng kuryente na may libong boltahe hanggang sa pumasok sa katawan ng una sanhi upang mangisay ito at masunog.
Dahil dito, nawalan ng panimbang ang biktima hanggang sa bumagsak ito mula sa itaas ng poste at sa kasamaang-palad ay bumagok din ang ulo nito sa sementadong kalye.
Ayon sa saksing si Emmanuel Magcawas, 28, nakasalubong nito ang biktima na bitbit ang lagareng bakal at tila nanlilisik umano ang mga mata at nang kanyang titigan ay bigla siyang hinamon ng suntukan.
Laking gulat na lamang ni Magcawas nang makitang umakyat ang di-kilalang lalaki sa poste ng Meralco at biglang nilagare ang kable ng kuryente sanhi upang magliyab ito at matusta. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am