Kinilala ang complainant na si Ana Asido, dalaga, nakatira sa #21 Pine Tree St., Pineville Lawa, Meycauayan, Bulacan.
Ayon sa reklamo ni Asido sa Makati City Complaint Desk naganap ang insidente dakong alas-12 kahapon ng tanghali sa De Tour Sports Bar na matatagpuan sa Jupiter St., Brgy. Bel-Air ng lungsod na ito.
Nabatid na habang si Asido ay nasa loob ng nasabing lugar, lumapit sa kanya ang aktor.
Sapilitan umanong kinuha ni Fernandez ang kanyang kamay at inilagay sa ari nito.
Matapos umanong gawin ni Fernandez ang nasabing insidente, kaagad itong nawala kayat mabilis na nagtungo ang dalaga sa pulisya upang ireklamo ang ginawa nito sa kanya.
Hindi naman nakunan ng pahayag ang aktor ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)