^

Metro

Strunk nagbigay na ng testimonya sa NBI

-
Lumutang na kahapon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) at sumagot na rin sa ilang katanungan si Rod Lauren Strunk, asawa ng minurder na aktres na si Nida Blanca.

Si Strunk na nakasuot ng kulay light blue na barong Tagalog ay dumating sa NBI dakong alas-12:25 ng tanghali lulan ng kanyang kulay Blue na Toyota Altis kasama ang kanyang abogado na si Dennis Manalo at dalawang NBI escorts.

Agad itong dinala ng kanyang mga escort sa neutro-psychiatric testing room para mailayo sa humahabol ditong mga reporter. Ilang sandali pa ay dinala na ito sa tanggapan ng NBI at dito siya kinunan ng pahayag.

Tumanggi si Strunk na sumagot sa mga katanungan ng mga mamamahayag.

Sa kanyang panig, sinabi ni NBI director Reynaldo Wycoco na nananatiling suspect sa kaso si Strunk.

"Wala pa naman kaming kini-clear sa kaso kahit isa. In this sense, he (Strunk) remains a suspect", pahayag ni Wycoco.

Binanggit pa ng NBI agents na inaasahang natapos ni Strunk ang kanyang sinumpaang salaysay hanggang kagabi.

Idinagdag pa ni Wycoco na patuloy nilang pinagtutuunan ng pansin ang anggulong may kinalaman sa properties at personal issues na siyang motibo sa isinagawang pagpaslang kay Nida. Gayunman, hindi pa umano napapanahon para i-exhume ang labi ng aktres.

Kahapon din ay muling nagtagpo sina Strunk at ang self-confessed killer na si Philip Medel na humingi ng paumanhin sa una matapos niyang isangkot ang pangalan nito. (Ulat ni Ellen Fernando)

DENNIS MANALO

ELLEN FERNANDO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NIDA BLANCA

PHILIP MEDEL

REYNALDO WYCOCO

ROD LAUREN STRUNK

SI STRUNK

STRUNK

TOYOTA ALTIS

WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with