Lalaki patay sa bugbog ng kapwa preso
December 12, 2001 | 12:00am
Isang 35-anyos na bilanggo ang pinatay sa bugbog ng dalawang miyembro ng Sputnik Gang sa loob ng kanilang selda sa Malabon City Jail, matapos na mabalitaan ng isa sa huli na kinalaguyo ng una ang kanyang asawa.
Namatay kaagad sa loob ng selda sanhi ng tinamong matitinding pasa at pamumuo ng dugo sa ulo ang biktimang si Nestor Metia.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Reynaldo Gabatin ng Malabon police na dakong alas-10 ng gabi nang pagtulungang bugbugin nina Rolando Raudo at Ramil Evarloza, mayores ng Sputnik Gang" ang biktima sa loob ng Selda 1.
Ayon sa pulisya, kapapasok lamang sa loob ng selda ng nasawi dahil sa kasong paglabag sa RA 6425 at PD 1866 na ipiniit sa Selda 1 na doon kasama nito ang dalawang suspect.
Napag-alaman na nagtanim ng galit si Raudo sa biktima dahilan sa natanggap nitong balita nagkaroon ito ng relasyon sa kanyang misis na nagsimula ng siya ay makulong.
Walang sabi-sabing pinagtulungang bugbugin ng dalawang suspect ang biktima na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.
Hindi umano nabatid ng jailguard ang nagaganap na kaguluhan sa loob ng selda dahil sa binusalan ng mga suspect ang bibig ng biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest