Sa petisyon ng biktimang si Dr. Norberto Uy, 47, cardiologist, ng Boston St., Immaculate Conception, Kamuning, Q.C. at kapitbahay ng suspect ay nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente.
Lasing na lasing umano ang aktor nang lumabas ito at makita na may nakaparadang trak sa harap ng kanyang bahay.
Agad na nagsisigaw at lumikha ng ibat ibang ingay si Pimentel kung kayat napilitang lumabas ang biktima upang pigilan ang pagwawala ng aktor.
Sa halip na magpaawat ay mabilis na pumasok ng kanyang bahay si Pimentel at bumalik na dala na ang isang kitchen knife at tinangkang saksakin ang biktima.
Sinabi pa ng biktima na ilang ulit siyang ininsulto at pinagmumura ni aktor.
Sa panig ni Pimentel ay tahasan naman nitong itinanggi ang reklamo sa kanya ng doktor at ikinatwiran na self-defense lamang aniya ang dahilan kung bakit kinailangan niyang maglabas ng kitchen knife.
Marami aniyang kasama ang doktor nang siya ay harapin at tangkang pagtulung-tulungan. (Ulat ni Angie dela Cruz)