^

Metro

Komedyante kinasuhan sa pagwawala sa parking area

-
Nahaharap sa 2 counts of malicious mischief, physical injuries, grave threat at oral dafamation ang komedyante at TV host na si Lito Pimentel makaraang magwala ito at maaresto ng mga elemento ng Kamuning Police Station nang tangkaing saksakin ng kitchen knife ang personal doctor ni Sandiganbayan Justice Anacleto Badoy kahapon ng madaling-araw sa Kamuning, Quezon City.

Sa petisyon ng biktimang si Dr. Norberto Uy, 47, cardiologist, ng Boston St., Immaculate Conception, Kamuning, Q.C. at kapitbahay ng suspect ay nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente.

Lasing na lasing umano ang aktor nang lumabas ito at makita na may nakaparadang trak sa harap ng kanyang bahay.

Agad na nagsisigaw at lumikha ng iba’t ibang ingay si Pimentel kung kaya’t napilitang lumabas ang biktima upang pigilan ang pagwawala ng aktor.

Sa halip na magpaawat ay mabilis na pumasok ng kanyang bahay si Pimentel at bumalik na dala na ang isang kitchen knife at tinangkang saksakin ang biktima.

Sinabi pa ng biktima na ilang ulit siyang ininsulto at pinagmumura ni aktor.

Sa panig ni Pimentel ay tahasan naman nitong itinanggi ang reklamo sa kanya ng doktor at ikinatwiran na self-defense lamang aniya ang dahilan kung bakit kinailangan niyang maglabas ng kitchen knife.

Marami aniyang kasama ang doktor nang siya ay harapin at tangkang pagtulung-tulungan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BOSTON ST.

CRUZ

DR. NORBERTO UY

IMMACULATE CONCEPTION

KAMUNING

KAMUNING POLICE STATION

LITO PIMENTEL

QUEZON CITY

SANDIGANBAYAN JUSTICE ANACLETO BADOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with