Kinilala ang mga suspect na sina Eugenio Quezada, 25, at Elizabeth Rosh, 25, tubong Alaska, USA at pansamantalang nanunuluyan sa Natividad Pension House, A. Mabini St., Ermita..
Sa ulat ni P/Insp. Richard Gando, dakong ala-una ng madaling-araw nang madaanan ng kanilang mobile car no. 356 ang pagkakaroon ng umpukan ng mga kalalakihan at tuwang-tuwang nagsisigawan sa panulukan ng Sinagoga St., at A. Mabini St.
Agad na naalarma si Gando at inatasan si SPO1 Johnny Gaspar at PO1 Eustaquio Cathin na alamin ang dahilan ng kaguluhan.
Laking gulat na lamang ng dalawang miyembro ng mobile unit nang bumungad sa kanila ang nag-aalab na romansa ng mga suspect na pawang mga hubot hubad.
Agad na pinigil nina Gaspar at Cathin ang pagtatalik ng mga suspect at kaagad na pinaalis ang mga nanonood na mga kalalakihan ngunit sampal, kalmot at tadyak ang isinalubong ng mga suspect sa mga awtoridad.
Nabatid na ang naging dahilan ng panlalaban ng babaeng dayuhan sa mga awtoridad ay ang pagkabitin nito sa kanilang pagtatalik.
Napag-alaman pa na ang magkasintahan ay nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot nang gawin ng mga ito ang tila isang tagpo sa pelikulang pene. (Ulat ni Grace Amargo)