Kinilala ang biktimang si Alfredo Due, ng Room 204 Bldg. 25 Sentennial Village, C-5 Road, Brgy. Western Bicutan, Taguig.
Base sa imbestigasyon ng Taguig Police, tatlong beses na umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima dahil sa may diperensya ito sa pag-iisip.
Sa pang-apat na pagkakataon, muli itong nagtangka matapos itong tumalon sa rooftop ng nasabing gusali na tinatayang may anim hanggang sampung palapag na naganap dakong alas-10 kahapon ng umaga.
Samantala, sa lungsod ng Makati, iniimbestigahan pa ng pulisya kung nagpakamatay ba ang isang lalaki sa pamamagitan ng pagtalon mula sa rooftop ng isang car park.
Sa sketchy report na natanggap ni Supt. Jose Ramon Salido, hepe ng Criminal Investigation Division (CID), Makati City Police, kinilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang SSS ID na si Bryan Pagsanhan Gonzales.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO4 Leonardo Timtiman ng Homicide Section, pasado alas-12 ng tanghali naganap ang insidente.
Napag-alaman na umakyat umano ang biktima sa Car Park 2 ng Glorietta Mall na may anim na palapag na matatagpuan sa Makati Commercial Center.
Basag umano ang bungo at hindi makilala ang mukha nito matapos tumalon sa nabanggit na lugar. (Ulat ni Lordeth Bonilla)