^

Metro

Katulong ng NBI na nag-suicide sa loob ng banyo

-
Iniimbestigahan ng pulisya ang misteryosong pagpapatiwakal ng isang 30-anyos na katulong na dalawang araw pa lamang naninilbihan sa kanyang amo na isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na magkulong sa banyo saka natagpuang nakabitin ng strap ng bag kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ang biktimang si Fe Ragas, tubong Mangnao, Dumaguete City ay housemaid ni NBI Special Investigator III Ariel Fernandez at stay-in sa 2770 Rosalina St., Gagalangin, Tondo.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni Detective Ernesto Jose, may hawak ng kaso ng Western Police District-Homicide Division, dakong alas-7:15 ng umaga nang makitang nakabitin ng strap ng bag si Ragas sa loob ng banyo ng bahay ng kanyang amo.

Huling nakitang buhay ang biktima bandang alas-6:50 ng umaga nang ito’y pumasok sa banyo saka nagkulong dito.

Ipinabatid umano ni Marlet dela Peña, kasamahang katulong ng biktima sa kanilang among si Ariel kaya dali-dali nila itong pinuntahan upang alamin kung ano ang problema nito.

Nakailang katok na umano sa pinto ang NBI agent subalit walang sagot mula sa biktima kaya nagdesisyon nang sapilitang buksan ang pinto ng banyo at dito tumambad ang nakabigting biktima.

Lumilitaw na dalawang araw pa lamang umano si Ragas na naninilbihan sa pamilya Fernandez nang ito’y kunin sa isang Lamp Employment Agency.

Gayunman, sinabi ni C/Insp. Taluban na masusing paiimbestigahan niya ang nasabing kaso upang mabatid kung may foul play. (Ulat ni Ellen Fernando)

ARIEL FERNANDEZ

DETECTIVE ERNESTO JOSE

DUMAGUETE CITY

ELLEN FERNANDO

FE RAGAS

LAMP EMPLOYMENT AGENCY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ROSALINA ST.

SPECIAL INVESTIGATOR

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with