^

Metro

Atty. Matibag hindi magdadalawang isip na magtungo sa NBI kapag inimbita

-
Kapag inimbitahan ng National Bureau of Investigation, handang magtungo si dating Commission on Election, Education and Information Director na si Atty. Angelina Matibag sa tanggapan ng nasabing ahensiya anumang oras upang ibigay ang kanyang panig matapos na siya ang idiin sa kaso ng pananambang at pamamaslang kay Comelec-EID Director Velma Cinco.

Si Matibag, na pinalitan ni Cinco bilang EID director, ang siyang itinuturong ‘mastermind’ sa pagkamatay ni Cinco na naganap noong Nobyembre 20 sa Tejeron St. at Pedro Gil St., Sta. Ana, Maynila, makaraang tambangan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo, kasama ang kanyang anak na si Carlo at hipag na si Marianne Sabarre, 40.

Nabatid na sa darating na linggo ay posibleng ipatawag na ng NBI ang dating EID chief upang hingan ng pahayag kaugnay sa mga ibinibintang sa kanya.

Nadawit ang pangalan ni Matibag sa kaso ni Cinco dahil na rin sa pagkakaroon niya ng kaugnayan sa mga pangunahing suspect nito. Bukod pa sa pinagbantaan umano ng una ang buhay ng huli sa harap mismo ng mga empleyado ng EID nang palitan siya nito sa kanyang puwesto.

Kaugnay nito, nagpahayag ng kawalang-tiwala sa NBI si Matibag dahil kahit na sa umpisa pa lamang umano ng imbestigasyon ay siya na ang idinidiin ng mga ito sa kaso ni Cinco.

Hihilingin din umano ni Matibag na mailipat sa isang independent body o ibang ahensiya ng gobyerno ang paghawak sa imbestigasyon ng Cinco ambush-slay case.

Ang pahayag ni Matibag ay kasunod na rin ng paglutang ng iba pang mga tauhan nito na hinihinalang may kinalaman sa nasabing krimen na mahigpit naman nila itong pinabulaanan. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANGELINA MATIBAG

CINCO

DIRECTOR VELMA CINCO

EDUCATION AND INFORMATION DIRECTOR

ELLEN FERNANDO

MARIANNE SABARRE

MATIBAG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PEDRO GIL ST.

SI MATIBAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with