^

Metro

Rollback sa bus fare

-
Kinukonsidera ngayon ng mga bus companies, partikular na ang mga bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA ang pagpapababa sa kanilang singil sa pasahe matapos ang pinakahuling rollback sa presyo ng langis.

Ito ang inihayag ni Integrated Metro Bus Operators Association (IMBOA) President Claire dela Fuente. Tinitingnan umano nila kung makakayanan nila na mapagkasya ang mga gastusin sa kanilang operasyon kahit na nakapagbawas na ng may P1.31 sa halaga ng langis.

Sinabi ni dela Fuente na dahil sa deregulated naman ang pamasahe sa mga airconditioned buses, may sariling kapasyahan na umano ang mga bus companies at hindi na kailangan na magsampa ng petisyon sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Katunayan umano, ilan na sa mga bus companies ang nagbaba ng kanilang pasahe mula sa sinisingil na P9 minimum ay ibinaba ito sa P8. Sinabi rin nito na hindi man lahat ng buses ay nagsagawa ng naturang pagbaba sa pasahe.

Kinukonsidera rin umano ang kompetisyon nila sa Metro Rail Transit (MRT) sa EDSA na humahatak ng maraming pasahero.

Una nang ibinasura ng LTFRB ang petisyon na isinumite ng isang jeepney transport group para ibaba ang minimum na pasahe ng P.50 dahil sa teknikalidad ng kanilang petisyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

FUENTE

INTEGRATED METRO BUS OPERATORS ASSOCIATION

KATUNAYAN

KINUKONSIDERA

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

METRO RAIL TRANSIT

PRESIDENT CLAIRE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with