^

Metro

Triggerman ni Cinco, sumuko

-
Personal na isinuko ng tinukoy na triggerman ng napaslang na Commission on Election Education and Information Division Chief Velma Cinco ang kanyang sarili kahapon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation,

Kasama ni Mario Francisco ang kanyang abogado na si Atty. Faustino Tugado Sr., nang ito ay direktang sumuko kay NBI Director Reynaldo Wycoco at personal na pinabulaanan ang akusasyon na siya ang bumaril kay Cinco noong Nob.20, sa Sta. Ana, Manila.

Sinabi ni Francisco, sumuko siya makaraang mabasa niya sa mga pahayagan na siya ang itinuturong triggerman ni Cinco para linisin ang kanyang pangalan.

Dalawa pang sinasabing suspect sa pananambang na sina Rodolfo Fortich at Ricardo Tumambing ang inaasahang susuko din ngayong araw na ito (Biyernes) upang ibigay ang kanilang panig sa krimen.

Una rito ay ibinunyag ng isang testigo na si Francisco ang triggerman sa ambush kay Cinco at sinasabing close-in bodyguard din siya ni Atty. Angelina Matibag na dating EID chief. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ANGELINA MATIBAG

CINCO

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

ELECTION EDUCATION AND INFORMATION DIVISION CHIEF VELMA CINCO

ELLEN FERNANDO

FAUSTINO TUGADO SR.

MARIO FRANCISCO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RICARDO TUMAMBING

RODOLFO FORTICH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with