^

Metro

Medel bagsak sa physical examination

-
Bagamat pumasa sa isinagawang neuro-psychiatric at polygraph examination ang self confessed killer ni Nida Blanca na si Philip Medel, bagsak naman ito sa physical examination.

Ito ang resultang ipinalabas kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa tatlong eksaminasyon na isinagawa kay Medel.

Ayon kay Dr. Romel Papa, chief ng NBI psychiatric division, napatunayan nilang walang sayad o sakit sa pag-iisip si Medel dahil consistent ito sa kanyang naging mga pagsagot sa bawat tanong na ibinibigay sa kanya.

Lumitaw na kalmante rin ang tibok ng puso at pulso ni Medel nang isalang ito sa polygraph examination.

Gayunman, bumagsak si Medel sa physical test nang sabihin nitong tinorture siya ng mga tauhan ng pulisya sa loob ng Camp Crame para paaminin sa naturang krimen.

Sinabi ni Atty. Ricardo Diaz, na walang nakitang anumang marka nang pagpapahirap o torture sa katawan ni Medel.

Nakita rin sa eksaminasyon na hypomanic episode ang kondisyon ni Medel bunsod nang pagiging madaldal nito at palabiro.

AYON

BAGAMAT

CAMP CRAME

DR. ROMEL PAPA

GAYUNMAN

MEDEL

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NIDA BLANCA

PHILIP MEDEL

RICARDO DIAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with