^

Metro

Ika-2 most wanted sa Caloocan nasakote

-
Naaresto ng pulisya ang isang kilabot na drug pusher na pumatay sa isang kagawad ng Drug Enforcement Unit (DEU) at itinuturing na no. 2 most wanted man sa lungsod sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nadakip na si Enrique Dungao, alyas Ricky Ratrat at kasalukuyang naninirahan sa C. Jacinto St., Sangandaan, Caloocan City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng hapon nang masakote ang suspect sa mismong tahanan nito habang nagbebenta ng bawal na gamot sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Ayon sa ulat, ang suspect matapos ang isang taong pagtatago makaraang mapatay ang isang tauhan ng DEU na si SPO2 Alberto Lizarondo noong nakalipas na Nobyembre 26, 2000 sa isa ring buy-bust operation ay muling bumalik sa kanilang bahay at itinuloy ang kanyang operasyon.

Napag-alaman pa na si Dungao ay may standing warrant of arrest na inisyu ni Judge Silvestre Bello Jr. ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 28 dahil sa pagkakapatay sa nasabing pulis. Ito ay itinuturing din na no. 2 most wanted criminal sa lungsod. (Ulat ni Gemma Amargo)

ALBERTO LIZARONDO

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

DRUG ENFORCEMENT UNIT

ENRIQUE DUNGAO

GEMMA AMARGO

JACINTO ST.

RICKY RATRAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with