^

Metro

Killer ng Comelec director kinasuhan na

-
Sinampahan na kahapon ng kasong murder sa Manila Prosecutors Office ang dating empleyado ng Commission on Election (Comelec) kaugnay sa pagka-ambush at pagkapaslang kay director Velma Cinco ng nabanggit na tanggapan, kamakailan. Wala namang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.

Ang kinasuhan ay si Conrado Robles, ng Barangay Malakimpook, San Pascual, Batangas at dalawa pang hindi nakikilalang kalalakihan makaraang positibo itong ituro ng mga testigong sina Marian Jayme, 47 , kapatid ng nasawing si Cinco at anak nitong si Carlo Hubert Cinco.

Magugunitang una nang kinasuhan si Robles ng illegal possession of firearm matapos itong mahulihan ng isang baril na walang kaukulang dokumento, gayunman sinampahan ito ng murder at frustrated murder makaraang ituro ng mga kaanak ni Cinco na isa ito sa tumambang sa kanila noong nakalipas na Nobyembre 20.

Sinabi ni Robles sa isinagawang imbestigasyon na isang nagngangalang Col. Ernesto Matibag, kapatid ni Atty. Angelina Matibag ng komisyon ang nag-isyu sa kanya ng baril.

Naniniwala naman ang NBI na malapit nang malulutas ang kasong pagpaslang kay Cinco na siyang Education and Information director ng Comelec.

Ito ay matapos na matumbok nila at matukoy nila ang ‘utak’ sa isinagawang pagpaslang.

Ayon kay NBI director Reynaldo Wycoco na nagkaroon ng breakthrough sa kaso makaraang makilala na ang trigerrman na si Mario Francisco, isang close-in security ng itinuturong utak sa pagpaslang na si Atty. Matibag.

Samantala, itinanggi naman ni Col. Matibag, chief ng military review and investigation division, Office oflegal Affairs ng Department of National Defense na utak sa pagpaslang kay Cinco.

" I vehemently denied I issued mission order to one Conrado Robles, the alleged suspect in killing Miss Cinco. It’s impossible for me to do that because I am not authorized to issue such an order", pahayag pa ni Matibag.

Kasabay nito, binatikos din ni Matibag ang NBI sa umano’y pagdukot ng mga ito kay Robles at sinabing suspect sa pagpaslang kay Cinco.

Isang manhunt operation naman ang inilunsad ng NBI laban sa triggerman na si Francisco. (Ulat nina Andi Garcia, Grace Amargo, Ellen Fernando at Joy Cantos)

ANDI GARCIA

ANGELINA MATIBAG

BARANGAY MALAKIMPOOK

CARLO HUBERT CINCO

CINCO

COMELEC

CONRADO ROBLES

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

EDUCATION AND INFORMATION

MATIBAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with