^

Metro

Arestadong suspek dapat ireport pagkalipas sa loob ng isang oras

-
Kinatigan ni Senador Renato Cayetano ang kautusang pinalabas ni Police Director Edgar Aglipay, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na i-report agad sa loob ng isang oras ang lahat ng mga taong inaresto ng mga pulis.

Sinabi ni Cayetano na maganda ang naisip ni Aglipay upang tugunan ang problema ng mga paghihinala na ang pulis ang siyang nasa likod ng pagkawala ng ilang suspek na kanilang inaresto o kaya’y kinikikilan lamang ito.

Ngunit para kay Cayetano, ang isang oras na paghahayag ng aresto ay masyadong matagal dahilan sa marami na ngayong mga makabagong kagamitan ang pulis gaya ng handheld radios o kaya’y cell phones.

Kung wala naman ang bagay na ito, maaari namang tumawag sa telepono upang iulat ang mga detalye ng inarestong suspek kabilang ang pangalan nito, ano ang kaso at saan naganap ang pag-aresto.

Masyado anyang mahaba ang isang oras upang ipabatid lamang ng isang pulis na mayroon sila o siyang inarestong tao at kung ito ay babae, posible pang magahasa ito o makikilan dahilan sa tagal bago ito ihayag.

Dapat ding ihayag anya ng mga pulis sa kanilang paunang ulat na kung ang pag-aresto ay mayroong warrant of arrest o wala at kung ano ang siyang dahilan ng pagkakahuli nito.

Hindi biro ang tambak nang kaso ng mga alagad ng batas na inereklamo ng kanilang mga hinuli na sila ay ginahasa pa muna bago ito pinawalan at ang higit na maswerte ng kaunti ay nakikilan lamang.

Alin man sa mga ito ay hindi dapat na magawa ng sinumang alagad ng batas dahilan sa kinikilala ng ating saligang batas ang karapatan ng sinumang suspek hanggang hindi ito napapatunayan sa korte.

Naniniwala si Cayetano na malaki ang maitutulong nito sa pagpapatino sa mga abusadong pulis na siyang madalas na inirereklamo at tuloy mabago na ang imahe ng hanay ng pulisya.

Sinariwa ni Cayetano nang siya ay nasa kabataan pa lamang na malaki ang kanilang respeto sa mga alagad ng batas dahilan sa batid nilang ito ang siyang nagbibigay sa kanila ng proteksiyon at hindi dapat na katakutan na siyang nangyayari ngayon. (Ulat ni Rudy Andal)

AGLIPAY

CAYETANO

DAPAT

KINATIGAN

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

POLICE DIRECTOR EDGAR AGLIPAY

RUDY ANDAL

SENADOR RENATO CAYETANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with