Tricycle driver pinatay ng 2 holdaper
November 30, 2001 | 12:00am
Dahil sa pagtanggi na ibigay ang kanyang pinapasadang tricycle, isang tricycle driver ang binaril at napatay ng dalawang kalalakihang nangholdap sa kanya, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang nakilalang si Luis Macaraeg, 35, ng Regalado, Fairview, Quezon City sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa kanyang sentido.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Ruby St., Brgy. Fairview ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na kalalabas-labas pa lamang ng biktima dala ang kanyang tricycle nang parahin ito ng dalawang suspect na nagkunwaring pasahero.
Pagdating sa madilim na lugar ay nagdeklara ng holdap ang mga suspect at dahil sa wala pang makuhang pera sa biktima ay ang tricycle nito ang pinag-interesan ng mga suspect.
Tumanggi naman ang biktima na ibigay ito kaya tuluyan siyang binaril ng mga suspect.
Mabilis na nagsitakas ang mga suspect dala ang tricycle ng biktima. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am