^

Metro

Mag-ama binoga ng kapit-bahay

-
Isang 27-anyos na ama kasama ang kanyang isang taong gulang na anak ang iniulat na binaril at napatay ng isa nilang kapitbahay, kahapon ng umaga sa Novaliches, Quezon City.

Nakilala ang nasawing mag-ama na sina Edito Ruaya, at anak na si Mardie, ng 27 Geneveva St., Barangay Gulod, Novaliches. Ang dalawa ay kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan at patay na bago pa man idating sa pagamutan.

Ang suspect na nakilala lamang sa alyas na Lito ay mabilis na tumakas dala ang ginamit na baril.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na naganap ang pamamaril dakong alas-8 ng umaga sa harap ng bahay ng mag-amang biktima sa Villaflor, Barangay Gulod.

Ayon kay PO1 Edwin dela Cruz na si Ruaya at ang suspect ay matagal ng may alitan at kahapon ay muling nagkaroon ang mga ito ng pagtatalo na nauwi sa suntukan. Nabatid na napuruhan ng nasawi ang suspect sa panga at pagkatapos nito ay mabilis na umuwi si Lito at bumalik ilang minuto ang nakalipas.

Karga noon ni Edito ang kanyang anak at hindi napansin ang pagbalik ng suspect na armado ng baril.

Walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng baril ng suspect ang mag-ama at saka mabilis na tumakas. (Ulat ni Matthew Estabillo)

vuukle comment

AYON

BARANGAY GULOD

CRUZ

EDITO

EDITO RUAYA

GENEVEVA ST.

LITO

MATTHEW ESTABILLO

NOVALICHES

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with