^

Metro

Pamangkin ni Chiqui Holmann, nagbaril

-
Dahil sa pagsasawalang-bahala sa kanya ng kanyang mga magulang, nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbaril sa ulo ang isang 19- anyos na pamangking lalaki ni dating TV host Chiqui Holmann, kahapon sa Mandaluyong City.

Hindi na nagawa pang makaligtas sa kamatayan matapos ang tatlong oras na operasyon sa Dr. Victor Potenciano Medical Center ang nagbaril na si Charles Holmann, binata, ng 317 Dansalan St., ng lungsod na ito.

Sinabi ng ka-live-in ng biktima na si Ana Milet Jugo, na bago magbaril si Holmann ay naihinga pa umano nito sa kanya kamakalawa ng gabi ang depresyon nito sa kanyang pamilya dahil sa pagsasawalang-bahala sa kanya ng kanyang mga magulang.

Ayon dito, tanging ang lolo lamang umano ni Holmann ang kumakalinga dito ngunit nang mamatay ito ay nagmistulang nagsolo na sa buhay ang nasawi.

Nakatulugan na lamang umano nila ang kanilang pag-uusap ngunit nagulantang siya sa pagkakatulog nang marinig ang isang malakas na putok ng baril dakong alas-4 ng madaling-araw kahapon. Dito niya nakita ang ka-live-in na duguan sa sahig at may tama ng bala ng baril sa sentido.

Sinabi pa ni Jugo na nagduda na umano siya kay Holmann nang ibenta nito kamakailan ang kanyang motorsiklo at ipambili ng baril na hindi naman nito masabi kung saan gagamitin. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANA MILET JUGO

AYON

CHARLES HOLMANN

CHIQUI HOLMANN

DANILO GARCIA

DANSALAN ST.

DR. VICTOR POTENCIANO MEDICAL CENTER

HOLMANN

MANDALUYONG CITY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with