Mahahalagang dokumento ibinigay ni Kaye Torres sa NBI
November 29, 2001 | 12:00am
Nagpahayag ng pag-asa si National Bureau of Investigation (NBI) director Reynaldo Wycoco, na malaki ang maitutulong sa isinasagawa nilang imbestigasyon ang mga dokumentong personal na dinala ng nag-iisang anak ng pinaslang na aktres na si Nida Blanca na si Kaye Torres.
Ayon kay Wycoco, bagamat hindi nila maaaring sabihin kung ano ang mga dinalang dokumento, ipinahayag nito na ang nilalaman ng papeles ay makakatulong ng malaki para mabatid kung bakit pinaslang ang beteranang aktres.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Wycoco na nagtungo na rin sa kanyang tanggapan si Atty. Roberto Umandam ang abogado ng self-confessed killer na si Philip " Jun" Medel at nag-isyu ng opisyal na written affidavit of recantation kaugnay sa unang naging testimonya nito.
"Ibig sabihin nito ay wala nang kabuluhan ang unang testimonya ni Medel subalit suspect pa rin siya hanggang sa kasalukuyan. Hindi naman agad ito ipinagwawalang bahala. Hindi rin ibig sabihin nito ay naniniwala na nga tayong wala siyang kasalanan. Suspect pa rin at si Rod Strunk", dagdag pa ni NBI director.
Samantala, nagbanta kahapon ang pamilya ng umanoy kidnap victim na si Michael "Mike" Martinez sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magsasampa ng "writ of habeas corpus" para obligahin ang mga opisyal nito na ilitaw ang nawawalang biktima.
Ayon kay Mrs. Estelita Martinez, asawa ni Mike, isasampa nila ang naturang reklamo sa Quezon City court anumang araw ngayong Linggo.
Partikular na pinatamaan ng pamilya Martinez ang pamunuan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para ilabas si Martinez nang pinaratanganan na may kagagawan sa biglaang pagkawala sa biktima base na rin sa ginawang pagbubulgar ng self-confessed killer ni Nida Blanca na si Philip Medel Jr.
Isiniwalat ni Medel na kinidnap ng PNP-CIDG at Task Force Marsha si Martinez noong ika-17 ng Nobyembre dahil sa takot na ibunyag ang pagdanas nila ng torture sa kamay ng mga pulis nang kunin ang kanilang serbisyo para paamining killer ni Blanca.
Bilang reaksyon ay itinanggi naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Crescencio Maralit na nasa kanila ang nawawalang si Martinez at iginiit na hindi pa nila ito nakakaharap kahit minsan.
"Wala sa amin si Martinez. How can we produce someone who is not in our possession?"pahayag ni Martinez. (Ulat nina Ellen Fernando, Andi Garcia at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest