^

Metro

'Baklas kotse gang', natarget ng shooting champion

-
Isang miyembro ng ‘Baklas kotse gang’ ang nabaril at nasugatan ng kanyang binibiktima na international shooting champion na si Mary Grace Tan, kamakalawa ng hapon sa may Araneta Avenue, QC.

Samantalang si Tan, 25, ang siyang complainant sa kasong theft, nahaharap naman ito sa kasong frustrated homicide dahil sa pagbaril kay Noel Canchela, 18, na tinamaan sa leeg.

Samantala, nakatakas naman ang kasabwat sa pagnanakaw ni Canchela.

Base sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas- 5 ng hapon sa may Araneta Ave. at E. Rodriguez sa Quezon City.

Minamaneho ni Tan ang kanyang puting Nissan Pajero at napahinto sa may stoplight sa naturang lugar nang bigla na lamang lapitan ni Canchela at kasamahan nito ang sasakyan at tinangkang tanggalin ang side mirror at saka nagtangkang tumakas.

Mabilis na bumaba si Tan sa sasakyan at kinompronta ang mga suspects. Naglabas naman ng patalim si Canchela at tinakot si Tan, subalit mabilis ding bumunot ng baril si Tan at pinaputukan ang suspect na si Canchela na tinamaan sa leeg. Isa sa mga suspect ang mabilis na tumakas. Mismong si Tan din ang nag-ulat sa pangyayari.

Si Tan ay pumangalawa sa isinagawang 12th World Shoot na ginanap sa Cebu City noong 1999 kung saan ang RP shooting team ang nanalo sa overall championship game. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

ARANETA AVE

ARANETA AVENUE

CANCHELA

CEBU CITY

JHAY MEJIAS

MARY GRACE TAN

NISSAN PAJERO

NOEL CANCHELA

QUEZON CITY

TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with