Mag-utol tinodas sa birthday party
November 27, 2001 | 12:00am
Dalawang magkapatid ang namatay, habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang magkagulo sa selebrasyon ng kaarawan ng ina ng mga nasawi, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Payatas, Quezon City.
Kinilala ni Supt. Roger Quilang ng CPD-Station 6 ang nasawing mag-utol na sina Geronimo, 36, at Florencio Ardiente, 33, ng Mt. Apo Extension Matias St., Group 2 Area B Payatas.
Malubha namang nasugatan at kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) sina Ramil Labosado; Modesto Gatallo at Crisalina Gemino.
Nabatid sa isinagawang imbestigasyon na naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa gitna ng masayang pagdiriwang ng kaarawan ng ina ng dalawang nasawi kung saan bisita ang ilan nilang kapitbahay at mga kaibigan.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay bigla na lamang nagkaroon ng pikunan sa grupo ng mga nag-iinuman hanggang sa magkaroon ng suntukan at nakita na lamang na pinagsasaksak ng apat na suspect na nakilalang sina Renato Alao,39 at tatlo pang nakilala lamang sa kanilang alyas na Bong Alao, Jun Mark at isa pang hindi nakikilalang suspect ang nasawing si Geronimo.
Nakita naman ni Florencio ang pagsaksak sa kanyang utol kayat mabilis siyang sumaklolo subalit siya rin ay inundayan ng saksak ng mga suspect.
Matapos ang isinagawang krimen mabilis na tumakas ang grupo ni Alao na ngayon ay target ng operasyon ng pulisya. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended