Kaso sarado na: Video tape ni Carson, halusinasyon
November 26, 2001 | 12:00am
Isinara na ng San Juan police ang kaso ng dating beauty queen at aktres na si Maria Theresa Carlson matapos na walang makitang anggulo ng foul play maliban sa suicide.
Sinabi ni Supt. Rodrigo de Gracia, hepe ng San Juan police na isa lamang umanong halusinasyon ang video tape na sanay ipapakita ni Carlson, 38, kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa wala silang narekober sa tinutuluyan nitong condo unit sa Platinum 2000 Bldg. sa Annapolis St., Greenhillls, San Juan.
Base sa inisyal na autopsy report, nabatid na uminom ng alak si Carlson bago ang pagtalon nito sa ika-23 palapag ng gusali noong nakaraang Biyernes.
Sinabi ni Rochelle Flores, 27, katulong ni Carlson, na nagtungo sila noong nakaraang Huwebes sa Malacañang upang ipakita ang umanoy video tape sa Pangulong Arroyo ngunit hindi sila pinapasok ng guwardiya.
Idinagdag pa nito na palaging umiinom ng mga pills at tabletas si Carlson na umanoy mga bitamina nito.
Sinabi rin ni De Gracia na nakausap na niya si dating Cong. Rodolfo Fariñas, asawa ng biktima, na nagsabing ingatan na lamang umano ang mga personal na gamit ng kanyang asawa. Hindi na rin kailangan pang imbitahan si Fariñas upang isailalim sa imbestigasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended