4,868 murder cases sa loob ng 10 buwan
November 25, 2001 | 12:00am
Umaabot sa 4,868 ang bilang na naitalang kaso ng murder na naganap sa loob lamang ng sampung buwan ng taong kasalukuyan. Tumaas ito ng dalawang porsiyento o kabuuang 88 insidente kumpara sa 4,780 naitalang ganito ring kaso noong nakalipas na taon.
Ito ang inihayag kahapon ni Senator Loren Legarda base sa nakuhang police statistic. Lumalabas na sa nabanggit na figure masasabing 16 na murder cases ang nagaganap sa loob ng isang araw o isang insidente nang pagpatay sa loob ng 90 minuto.
Ang naturang pahayag ay ginawa ni Sen. Legarda, na opisyal din ng anti-crime monitoring group ang Citizens DrugWatch matapos ang dalawang karumal-dumal na pagpaslang sa premyadong aktres na si Nida Blanca noong nakalipas na Nobyembre 7, kasunod naman noong Nobyembre 20 ang naganap na pag-ambush sa bagong upong public relations director ng Commission on Election na si Velma Cinco.
Ang murder ay isang capital offense na may parusang habambuhay na pagkabilanggo o kamatayan.
Ang mga murder convicts ay bumubuo sa may 25 porsiyento ng 1,874 inmates na nasa death row hanggang noong Oktubre ng taong ito.
Dahil dito, sinabi ni Legarda na susuportahan niya ang congressional inquiry na magbibigay ng impact sa capital punishment para na rin makatulong sa peace and order problem sa bansa, partikular na ang mga nagaganap na karumal-dumal na krimen tulad ng murder, rape at illegal drug trafficking.(Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended