^

Metro

Pintor tinarakan ng magkapatid, patay

-
Pinagtulungang saksakin ng magkapatid ang isang 26-anyos na pintor matapos na masagi ng huli ang una kamakalawa ng gabi sa bayan ng Navotas.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa dibdib ang biktimang si Arnel Espaniola ng Int. 59 Davila st. West ng nabanggit na bayan.

Kaagad namang nadakip ang suspek na si Nilo Virenio, 18, samantalang mabilis namang tumakas ang kapatid nitong si Dino.

Ayon kay SPO2 Daniel Ferrer may hawak ng kaso, dakong alas-8 ng gabi ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Davila St. sa Navotas.

Sinabi ng mga saksi na nakita umano niya ang biktima at mga suspek ng magkasalubong at magkabanggaan ang mga ito.

Mabilis umanong kinompronta ng mga suspek ang biktima kung bakit hindi tumitingin ang huli sa lugar na nilalakaran nito hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Habang nasa kainitan ng pagtatalo ay bigla na lamang umanong bumunot ng patalim ang magkapatid at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Naaresto naman kaagad si Nilo ng mga nagrespondeng mga barangay tanod, samantalang mabilis na tumakas ang kapatid nito. (Ulat ni Gemma Amargo)

ARNEL ESPANIOLA

AYON

DANIEL FERRER

DAVILA

DAVILA ST.

DINO

GEMMA AMARGO

NAVOTAS

NILO VIRENIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with