^

Metro

4 na suspects sa Mark Chua kidnap-slay inilagay sa BI sa watchlist

-
Inilagay ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kanilang watchlist ang apat na pangunahing suspect sa pagdukot at pagpaslang kay Mark Anthony Chua, 19, second year mechanical engineering student sa University of Sto. Tomas noong nakalipas na Marso 18 ng taong kasalukuyan.

Inatasan ni BI Commissioner Andrea Domingo si Simcon Vallada, BI-NAIA headsupervisor na ilagay sa watchlist sina Michael Von Reinard Manangbao; Eduardo Tabrilla; Paul Joseph Tan at Patrick Christopher Cruz.

Ayon kay Domingo, ang paglalagay sa mga suspect sa watchlist ay bilang tugon sa kahilingan ni Wilson Chua, ang ama ng biktima.

Ipinag-utos din ni Domingo sa mga kagawad ng BI sa NAIA at iba pang ports at airports na kilatising mabuti ang mga umaalis na pasahero dahil maaaring gumamit ng ibang pangalan ang mga suspect at mag-iba ng itsura para makalabas ng bansa upang umiwas sa prosecution.

Magugunitang nakita ang naaagnas na bangkay ni Chua na lumulutang sa Pasig River noong Marso 18, matapos itong dukutin ng mga suspect at pagkatapos at humingi ng ransom sa pamilya nito.

Iniulat pa na ang pagdukot at pagpaslang sa biktima ay may kaugnay sa mga ibinunyag nitong anomalya patungkol sa ROTC sa naturang unibersidad. (Ulat ni Butch Quejada)

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

DOMINGO

EDUARDO TABRILLA

MARK ANTHONY CHUA

MARSO

MICHAEL VON REINARD MANANGBAO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASIG RIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with