Shabu queen nakakalabas ng kulungan ?

Malaki ang posibilidad na mapatawan ng suspension si Correctional Institute for Women (CIW) chief Atty. Rachel Ruelo makaraang makalabas ng bilangguan ang umano’y drug queen na si Yu Yuk Lai na tinaguriang ‘shabu queen’.

Dahil dito’y nagpalabas si Justice Sec. Hernando Perez ng isang pahinang memorandum para ipaliwanag ni Atty Ruelo kung papaano at bakit nakalabas ng CIW si Lai.

Nakatanggap ang DOJ ng report na si Yu Yuk Lai ay nakalabas kahapon ng CIW upang bisitahin ang isa pang inmate na si William Sy na nakapiit naman sa New Bilibid Prisons (NBP). (Ulat ni Grace Amargo)

Show comments