BIR nilooban; P 6.5M X'mas bonus tinangay
November 22, 2001 | 12:00am
Magiging malungkot ang Pasko ng daan-daang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos na looban ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang kanilang tanggapan sa Intramuros, Manila kahapon ng umaga at tinangay ang may P6.5 milyon na pang-Christmas bonus nila.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Western Police District-Theft and Robbery Section, dakong alas-8 ng umaga ng madiskubre ng mga kawani na nawawala ang P6.5 milyon na nakalagay sa Finance and Budget Division ng BIR na matatagpuan sa ika-anim na palapag ng BIR Building.
Nabatid na nakasilid lamang sa isang filing cabinet ang nasabing malaking halaga ng pera at hindi sa isang safety vault.
Masusi namang sinisiyasat ng mga awtoridad at isinasailalim sa interogasyon ang apat na empleyado na nakatalaga sa 6th floor ng BIR building na sina Yolanda Berania, Alma Quintos at dalawang iba pa dahil sa sila lamang ang nakakaalam ng pasikut-sikot sa naturang gusali.
Lumitaw sa imbestigasyon na winasak ng mga suspect ang plywood sa may kisame sa nasabing tanggapan at nakitaan din ng butas ang isang panig ng bintana sa 6th floor na pinaniniwalaang dinaanan palabas ng mga ito.
Malaki rin ang hinala ng mga awtoridad na inside job ang nasabing insidente. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended