^

Metro

Masahistang bulag hiniwalayan ng girlfriend, nagbigti

-
Labis na pagdadalamhati ang dumapo sa isang masahistang bulag na siyang sanhi upang ito ay magpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti ng makipagkalas sa kanya ang kanyang kasintahan, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Malamig nang bangkay nang matagpuan sa loob ng kanyang kuwarto ang suicide-victim na si Eddie Conoherro, 35, massage therapist sa Parañaque City at kasalukuyang naninirahan sa Isla Homes, Barangay Pinagbuhatan ng lungsod na ito.

Sa ulat ni PO1 Clarence Nipales, may hawak ng kaso, nabatid na natagpuan ang naturang bangkay dakong alas-9:30 ng umaga nang dumalaw ang kaibigan nito na si Roel.

Nakabitin umano sa loob ng kanyang kuwarto ang biktima gamit ang isang mahabang sinturon na siya nitong ipinilipit sa kanyang leeg.

Ayon kay Roel, huli niyang nakita ang biktima noong gabi ng Nobyembre 17 na malungkot at nagkukuwento sa kanya na nakipagkalas na ang kanyang kasintahan dahil sa kanyang kapansanan. Umuwi umano itong lulugo-lugo at hindi na nakita pa muli dahil sa hindi na ito pumasok pa sa trabaho.

Itinanggi naman ng kasintahan ng nasawi na si Mirasol, 30 na nakipagkalas na umano siya kay Conoherro. Nagkakilala umano noong 1999 ngunit naging magkasintahan lamang sila nitong nakaraang Agosto.

Ayon sa kanya, meron lamang umano silang hindi pinagkasunduan ngunit hindi na niya nakita ng apat na araw ang biktima at nabalitaan na lamang na nagbigti ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

AGOSTO

AYON

BARANGAY PINAGBUHATAN

CLARENCE NIPALES

CONOHERRO

DANILO GARCIA

EDDIE CONOHERRO

ISLA HOMES

PASIG CITY

ROEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with