^

Metro

64 anyos na lola, hinalay

-
Isang 64-anyos na lola ang nagharap ng reklamo laban sa isang construction worker na umano’y humalay sa kanya sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nagtungo kahapon sa tanggapan ng Women’s Desk ng Makati City police ang biktimang itinago sa pangalang Lola Teresita upang ipagharap ng reklamo ang suspect na si Roseto Alcog, 32, ng No. 27-A Sitio Paz, Brgy. San Martin de Porres, Parañaque City. Pinaghahanap ng pulisya ang nabanggit na suspect.

Sa reklamo ng biktimang si lola, naganap ang panghahalay sa kanya dakong alas-11:45 ng gabi sa kanyang bahay sa Nunez St., Brgy. Kasilawan ng lungsod na ito.

Sinabi nito na natutulog siya sa kanyang silid nang pumasok ang suspect na armado ng patalim. Agad umano siyang tinutukan sa leeg habang tinatanggal ang kanyang damit.

Hindi na umano siya nakapalag pa dahil sa malakas ang suspect hanggang sa maipagtagumpay nito ang panghahalay sa kanya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

A SITIO PAZ

BRGY

ISANG

KASILAWAN

LOLA TERESITA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

NUNEZ ST.

ROSETO ALCOG

SAN MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with