5 magkakapatid patay sa sunog
November 21, 2001 | 12:00am
Limang magkakapatid ang iniulat na nasawi, samantalang nasa kritikal pa ding kondisyon ang kanilang ate makaraang masunog ang kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Supt. Bobby Baruelo, hepe ng Pasay City Fire Department ang mga nasawing magkakapatid ay nakilalang sina Mark Lester, 5; Centennial Jane, 3; Marc Vincent, 2; Francesca, 1 at ang bunsong si Sherwina Cusilit, 2 buwan pa lamang. Ang mga nabanggit ay pawang binawian nang buhay habang ginagamot sa Manila Sanitarium Hospital.
Samantala, agaw-buhay pa rin ang panganay sa magkakapatid na si Hazel, 6.
Base sa imbestigasyon ni FO3 Renato Recto naganap ang insidente dakong alas-9:35 kamakalawa ng gabi sa No. 72 San Juan St., ng nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na natutulog sa ikalawang palapag ng bahay ang magkakapatid habang ang kanilang mga magulang na nakilalang sina Sherwin at Nerrisa Cusilit ay natutulog sa ibaba ng bahay ng maganap ang sunog.
Sinabi sa ulat na dahil sa hirap ng buhay ay hindi nakabayad ang pamilya Cusilit sa kuryente dahilan upang sila ay tuluyang putulan. Dahil dito, ng gabing iyon ay kandila ang ginamit ng pamilya na inilagay sa pasimano ng bintana sa ikalawang palapag na pinaniniwalaang tumumba sa linolyum hanggang sa mabilis na kumalat ang apoy.
Nagising umano ang mag-asawa ng maramdaman ang matinding init na nagmumula sa itaas ng bahay at doon din nila nakita na nagliliyab na ang tinutulugan ng kanilang mga anak.
Sa kabila nang pagsisikap ng mga pamatay sunog na maisalba ang buhay ng magkakapatid ay isinugod nila ang mga ito sa pagamutan subalit binawian din nang buhay dahil sa matinding pagkasunog. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended