^

Metro

Apela ni Jalosjos ibinasura ng SC

-
Malaki ang posibilidad na hindi na makalabas ng New Bilibid Prisons (NBP) si Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos.

Ito ay matapos na magpalabas kahapon ng desisyon ang Supreme Court na nagbabasura sa apela ni Jalosjos upang siya ay ipawalang-sala hinggil sa kasong acts of lasciviousness.

Nabatid mula sa 46-pahinang desisyon ng Mataas na Hukuman sa panulat ni Associate Justice Consuelo Ynares-Santiago, isinantabi nito ang inihaing petisyon ng kongresista dahil sa walang merito ang inihain nitong mosyon.

Una nang hinatulan si Jalosjos ni Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 62 Judge Roberto Diokno ng dalawang ulit na habambuhay na pagkabilanggo dahil sa kasong rape at anim na bilang ng kasong acts of lasciviousness, noong Hunyo 1996.

Iginiit ni Jalosjos na mali ang naging desisyon ni Judge Diokno kaya’t nararapat lamang siyang iabsuwelto ng Mataas na Hukuman.

Ayon sa SC, tama ang naging hatol ng mababang hukuman dahil sa ginawang panghahalay ni Jalosjos sa menor-de-edad nitong biktima.

Nabatid na maaari pa rin namang maghain ng isang motion for reconsideration (MR) si Jalosjos sa SC. Kapag hindi na kinatigan ng Korte Suprema ay inaasahang mapapatalsik na sa puwesto si Jalosjos bilang kongresista ng Zamboanga del Norte. (Ulat ni Grace Amargo)

ASSOCIATE JUSTICE CONSUELO YNARES-SANTIAGO

GRACE AMARGO

HUKUMAN

JALOSJOS

JUDGE DIOKNO

JUDGE ROBERTO DIOKNO

KORTE SUPREMA

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MATAAS

NABATID

NEW BILIBID PRISONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with