^

Metro

Misis at lover, naaktuhan ni Mister

-
Galit na ipinakulong ng isang mister ang kanyang misis at ang kalaguyo nito matapos mahuli sa aktong nagtatalik sa loob mismo ng kanilang bahay, kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Nakadetine ngayon sa loob ng Pasig detention cell ang mga inarestong sina Cherrelyn Nardo, 19, ng Bolante 1, Brgy. Pinagbuhatan; at si Rey Barreto, 24, ng #4 Avi St., Brgy. Bagong Ilog ng lungsod na ito.

Sinampahan sila ng kasong adultery ng asawa ng babae na si Edgar Nardo, 28, jeepney driver.

Sa ulat ni PO2 Rolando Lipata, imbestigador, nabatid na nahuli ang dalawa ni Nardo dakong alas-2 ng madaling-araw sa loob mismo ng kanilang kuwarto.

Sinabi ni Nardo na palagi umano silang nag-aaway na mag-asawa dahil sa malaking agwat ng kanilang edad at pakikialam ng kanyang magulang na hindi boto sa batang babae.

Upang hindi umano sila palaging magtalo, nagpasya muna si Nardo na lumipat muna ng tulugan sa ikalawang palapag ng bahay matapos ang kanilang pinakahuling pag-aaway.

Sapul nang lumipat umano siya ng kuwarto, nakarinig na siya ng mga tsismis na may ibang lalaki ang kanyang misis.

Natutulog na umano siya buhat sa pamamasada nang maalimpungatan nang makarinig ng ingay sa ibabang kuwarto na tinutulugan ni misis. Dito siya nagpasyang butasin ang sahig at naaktuhan ang magkalaguyo sa gitna ng mainit na pagtatalik.

Sa halip na awatin ang dalawa, nagpasya na lamang si Nardo na dumulog sa istasyon ng pulisya at ipaaresto ang mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AVI ST.

BAGONG ILOG

BRGY

CHERRELYN NARDO

DANILO GARCIA

EDGAR NARDO

NARDO

PASIG CITY

REY BARRETO

ROLANDO LIPATA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with