^

Metro

Reklamo ng pupil vs guro iniurong

-
Iniurong ng isang ama ang kanyang reklamo laban sa isang guro sa St. Paul School sa lungsod ng Makati na unang naiulat na nanampal sa kanyang anak na lalaki matapos na madiskubre ng una na walang katotohanan ang nasabing akusasyon.

Base sa affidavit of desistance na isinumete sa Makati City Prosecutor’s Office ni Hilarion Cabanatan, 37, may-asawa, ng No. 188 F. Guijo St., Fort Bonifacio, Brgy. Cembo ng nasabing lungsod, nakasaad na iniuurong na niya ang kanyang reklamong child abuse laban kay Carmen Quibac, teacher ng St. Paul School ng Brgy. Poblacion, Makati.

Magugunita na noong Nobyembre 6, taong ito, inireklamo si Quibac sa Makati City police complaint desk dahil sa sinampal umano nito ang anak ni Cabanatan na isa sa kanyang tinuturuan. Gayunman, nadiskubre ni Cabanatan na nadapa lamang ang anak at dahil sa kakulitan ng bata ay sinabi sa ama na sinampal siya ng kanyang guro. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BRGY

CABANATAN

CARMEN QUIBAC

FORT BONIFACIO

GUIJO ST.

HILARION CABANATAN

LORDETH BONILLA

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI CITY PROSECUTOR

ST. PAUL SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with