Shootout: Estribo gang member patay, 2 naaresto
November 19, 2001 | 12:00am
Nasawi ang isang miyembro ng Estribo gang samantalang dalawang kasamahan nito ang naaresto sa naganap na shoot-out sa pagitan ng mga awtoridad at nasabing grupo habang hinoholdap ang isang pampasaherong jeepney sa Malabon City kahapon ng umaga.
Namatay noon din ang suspek at umanoy lider ng grupo na si Jordan Nucom, 23, ng Libis A. Mabini, Caloocan City habang naaresto ang mga kasama nito na sina Alexander Yumul, 25, ng Longos, Malabon City at Joel Quilan, 26, ng Area 1, Navotas.
Base sa ulat na tinanggap ni Supt. Ernesto Fojas, Hepe ng Malabon police, dakong alas-8:30 ng umaga nang makipagpalitan ng putok ang mga suspek sa mga nagrespondeng pulis at mga kagawad ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Caloocan City.
Nauna rito, hinoldap ng mga suspek na armado ng patalim at baril ang isang pampasaherong jeep na may biyaheng Malinta-Monumento na minamaneho ni Luis Araneta habang tinatahak ang kahabaan ng Mc Arthur Highway sa Brgy. Potrero. Kaagad na nilimas ng mga suspek ang mga pera, alahas at cellphone ng mga pasahero.
Matapos na makuha ng mga suspek ang gusto ay hinarang ng mga ito ang isang tricycle at sumakay patakas patungo sa direksyon ng C-4 Road, Longos, Malabon.
Mabilis na humingi ng saklolo si Araneta sa malapit na istasyon ng pulisya at inalarma ang buong kapulisan.
Naharang naman ng mga nagpapatrulyang kagawad ng Malabon police ang mga suspek sakay ng tricycle sa Gov. Pascual Ave. at kaagad na nakipagpalitan ng putok hanggang sa matamaan si Nucom sanhi ng kanyang pagkasawi.
Nagkanya-kanya namang takbo ang dalawa pang nabanggit na kasamahan ni Nucom subalit minalas namang masalubong ang tropa ng SWAT ng Caloocan City hanggang sa makipagpalitan ang mga ito ng putok.
Makalipas ang ilang minuto ay sumuko rin ang dalawa at narekober sa mga ito ang kalibre .38, .45 baril at mga bala. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended